Yen Santos, nakatikim ng sangkaterbang mura

ADVERTISING

Yen Santos, nakatikim ng sangkaterbang mura

Yen-SantosKUNG ANU-ANONG mura pala ang natikman ni Yen Santos, isa sa mga bida sa Pure Love bago siya nagkaroon ng pangalan sa showbiz. Ginusto na rin niyang mag-quit noon dahil talagang problema niya kung paano umiyak sa mga eksena.

“Nakatikim po talaga ako ng mura sa mga direktor na nakatrabaho ko. Pinagagalitan talaga nila ako. Kasi minsan, two hours na silang naghihintay sa akin, pero hindi pa rin ako maiyak-iyak. Pero buti na lang po talaga na hindi rin ako agad nag-give-up hanggang dumating nga itong Pure Love,” kuwento ni Yen.

Ngayon ay napakalaki na nang in-improve sa pag-arte ni Yen especially sa mga crying scene. Ayon sa direktor ng Pure Love, in a split second ay kayang-kaya nang umiyak ng aktres. Maging si Alex Gonzaga na lead star din ng Pure Love ay aminadong napi-pressure siya kapag crying scene ang eksena nila ni Yen.

“Kasi si Yen, tatalikod lang ‘yan sandali tapos ‘pag harap niya umiiyak na agad,” kuwento pa ni Alex.

ADVERTISING

Taong 2010 nagsimula sa showbiz si Yen pagkatapos niyang lumabas sa Pinoy Big Brother house. Ka-batch niya ang sikat na hunk actor ngayon na si James Reid.

Kasama rin nga pala nina Yen at Alex sa Pure Love sina Arjo Atayde, Joseph Marco, Anna Luna, Sunshine Cruz, Matt Evans at marami pang iba. The show will end on Nov. 14.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING