Yen Santos, masuwerteng napiling leading lady ni Piolo Pascual sa bagong pelikula ng Regal Films

ADVERTISING

Yen Santos, masuwerteng napiling leading lady ni Piolo Pascual sa bagong pelikula ng Regal Films

Yen Santos
Yen Santos

Isa sa super happy rin na mga female stars natin ngayon ay itong si Yen Santos na last Tuesday ay pumirma ng four movie contract with Regal Films.

Hindi ini-expect ng dalaga na siya ang napili. Sa dinami-rami ng mga artistang babae ng Star Magic o artistang babae sa showbiz, siya ang napili nina Mother Lily Monteverde at Ms. Roselle Monteverde para maging leading lady and love interest ni Piolo Pascual sa bagong pelikulang “Once In A Lifetime” na nag-shooting pa sa New Zealand.

“Nagulat po ako. Hindi ko alam ang reaksyon ko nang sinasabi sa akin na si Papa P. ang makasasama ko sa movie,” kuwento ni Yen sa amin.

Sa halos two weeks nila sa NZ, naging buddy-buddy sila ni Papa P., na halos lahat yata ng female stars natin (baguhan man o datihan) ay gustong makasama ang actor once in a lifetime of their showbiz career.

ADVERTISING

“Mabait siya (Piolo). Tinutulungan niya ako sa mga eksena. Siyempre, sino ba naman ako at siya, yong kapareha ko? Siya si Piolo Pascual, nakatatakot na magkamali.

“Naging conscious ako noong unang eksena naming hanggang sa masaya na ako,” kuwento ng dalaga sa karanasan niya sa shooting.

Habang isinusulat namin itong column item na ito, hinihintay na lang ang ilang araw na natitira para mabuo ang pelikula, na ang love scene nila ng aktor ay hindi pa rin nakukunan.

“Kabado ako. Hindi ko po alam kung anong preparation ang gagawin ko,” sabi ni Yen.

Basta ang mahalaga ngayon, suwerte niya dahil siya ang napili. Siya na si Yen na kilala lang sa mga drama-serye ng Kapamilya Network ay love interest na ng isa sa pinakaguwapong aktor sa Pilipinas na si Piolo Pascual.

“Thank you sa chance,” sabi pa ni Yen.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING