Yaya Dub, may bago na namang gimik?

Yaya-DubNADULAS SI Yaya Dub (Maine Mendoza). Napanood namin sa Internet ang video na halos patakbo si Yaya Dub habang nakasuot na blue gown. Sa kanyang pagmamadali ay nadulas siya at nakita na lang na nasa floor na siya.

Ewan kung bagong gimik ito ni Yaya Dub after niyang mahimatay a week ago.

Anyway, hit na hit ang Maybe This Time episode nina Yaya Dub at Alden Richards. Napanood namin sa Internet ang segment na ‘yon at talagang manghang-mangha kami sa tila Cinderella story, kung saan hawak-hawak ni Alden ang isang sapatos ni Yaya Dub. Basang-basa siya habang hinahabol si Yaya Dub at bongga ang cliffhanger, ha. Hindi niya naabutan si Yaya Dub na mabilis na sumabit sa isang dyip habang naka-gown.

Actually, banas na banas ang aming neighbors dahil nagloko ang cable connection while they were watching that said episode on Eat, Bulaga! Halos mapamura ang mga kapit-bahay namin dahil biglang naglaho sa TV screen ang eksena nina Yaya Dub at Alden. Ang tanong nga nila, meron daw bang sumabotahe? Inaabangan ang pagkikitang iyon nina Yaya Dub at Alden. Lahat ay nakatutok sa mga kaganapan tapos bigla nga namang mawawalan ng cable connection?

Anyway, marami pa rin naman talaga ang dapat abangan sa mga escapades nina Yaya Dub at Alden na Pambansang Love Team ngayon.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleRichard Gomez, makikipagpukpukan sa best actor award next year
Next articleAiko Melendez, nagpapayat para sa daring scenes sa bagong pelikula

No posts to display