Yaya Dub, ka-level na si Justin Bieber

ADVERTISING

 alt=

Maine-MendozaIBA TALAGA ang dating ni Maine Mendoza aka Yaya Dub. Yes, ka-level na nga raw ng Pambansang Yaya ang sikat na international singer na si Justin Bieber!

ADVERTISING

Ayon sa post sa Facebook page na ALDUB Latest News and Updates, nilagyan ng security features ng Twitter ang account ni Maine nang maibalik ito sa kanya matapos na ma-hack umano ng nagpakilalang “Anonymous Philippines”. Sa mga celebrity account ng Twitter, tanging kay Justin Bieber pa lang ang may ganoong security features sa buong mundo, ikalawa nga itong kay Maine.

Sabi sa post: “Nabalik na po sa kamay ni Maine ang kanyang twitter account, matapos itong nilock mismo ng Twitter dahil sa paghacked ng twitter account nya na kagagawan ng Anononymous Philippines. Sa pagbalik ng twitter account ni Maine nilagyan ito mismo ng security features ng Twitter para di na ito mahack ulit. Dalawang celebrity account pa lang ang may ganitong security feature sa mundo, ang una ang kay Justine Beiber at ngayon kay Maine.”

Halos magpuyos naman sa galit ang milyun-milyong fans ng AlDub sa pagkaka-hack ng Twitter account ni Maine kahapon ng madaling-araw.

ADVERTISING

Bumulaga na lang sa may 2.4 million followers ni Maine ang ilang kahina-hinalang posts sa account ng dalaga tulad ng

“#AnonPH #Anonymous #MillionMaskMarch #MMM2k15!”

Nagpakilalang si “Anonymous Philipines” ang nasabing hacker at sa isa pa nitong post, sinabi nitong: “Sorry po if napadaan kami sa account ni yayadub, ibabalik din namin to sa tunay na may-ari…!”

Pero bukod sa Twitter account ni Maine, na-hack din umano ang Instagram account nito, at ilang weeks na rin daw deactivated ang Facebook account ni Yaya Dub.

Nagdududa naman ang ilang fans kung may kinalaman ang Kapamilya Network sa mga hacking incidents matapos na ma-hack din ang Twitter account ng ALDUB WORLDWIDE, ilang oras matapos ma-hack ang Twitter account ni Maine.

Sa post kasi ng hacker sa Twitter account ng nasabing AlDub fans, mayroon itong hashtag na “#ShowtimeinTheHouse”.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING