Yaya Dub, binalahura ng isang basher

Yaya Dub, binalahura ng isang basher

Maine-MendozaBILIB KAMI sa tapang ng loob ng isang Yaya Dub basher. Walang takot kasi itong nagpakuha ng photo kasama ang standee ni Yaya Dub for a fastfood chain that she is endorsing. Nakakaloka lang kasi nag-flash ng dirty finger sign ang basher sa mukha ng standee ni Yaya Dub. Talagang wala siyang katakut-takot.

Sabi ng female basher, hindi niya talaga bet si Yaya Dub at hindi siya bibili ng ticket nito dahil ido-donate na lang niya sa mga nasalanta ng recent thyphoon ang kanyang datung. Hanga kami sa tapang ng babaeng basher. Alam niyang makatitikim siya ng pambabastos sa Aldub fans, pero wala siyang keber.

Hindi kami agree sa kanyang ginawa pero hinahangaan namin ang tapang ng loob niyang mag-flash ng dirty finger sign sa pinakasikat na TV personality now.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas