Yassi Pressman, sandamakmak ang endorsements; pagkaligwak sa ‘Ang Panday’ ayaw gawing isyu!

ADVERTISING

Yassi Pressman, sandamakmak ang endorsements; pagkaligwak sa ‘Ang Panday’ ayaw gawing isyu!

Yassi Pressman, sandamakmak ang endorsements; pagkaligwak sa ‘Ang Panday’ ayaw gawing isyu!
Yassi Pressman

NAHIHIYA si Yassi Pressman na aminin na pang-17 endorsement na niya ang Nivea Deo na nagkaroon ng bonggang launching kamakailan lang sa isang hotel sa Cubao, Quezon City.

“Nahihiya po ako,” mahinhin niyang pahayag.

“Actually, super proud po ako sa mga endorsements dahil po nagkakataon talaga na hindi po siya yung kailangan pong ipakita lang o ibenta. Talagang lucky po ako na lahat po ng mga napupunta at nao-offer po sa akin, eh, nagamit ko na or tried and tested na,” sabi pa niya.

Patuloy pa ng leading lady ni Coco sa FPJ’s Ang Probinsyano, “Masuwerte po ako na  marami pong mga blessing na dumarating  po. Grabe. From when I started po talaga, sobrang humble beginnings and commercial din lang po talaga yung ginusto ko noon.

ADVERTISING

“Ang dami kong mga opportunities and project na pinagkatiwala sa akin and I’m very, very lucky na dumating po yung mga yon.”

Wala namang isyu para kay Yassi na hindi siya ang napili ni Coco na leading lady sa pelikulang Ang Panday.

“Sa akin po, wala po talaga yon sa akin. Actually, mas nae-excite pa nga po ako na mapanood si Mariel (de Leon). Bago pa po nag-launch alam ko na rin po.

“So, I’m very, very excited lalo na po first  directorial po ni Direk Coco and I’m excited po to see kung ano yung ibibigay nila. Kasi matagal na po nilang pinagpaplanunan yon and susuporta po talaga ako sa kanila,” reaksyon ni Yassi.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING