Yassi Pressman, okey lang kahit bida o kontrabida ang role

Yassi Pressman, okey lang kahit bida o kontrabida ang role

Vin-Abrenica-Yassi-PressmanHAPPY RAW ang Viva artist na si Yassi Pressman dahil binigyan siya ulit ng pagkakataon ng TV5 na makasama sa Wattpad Presents, kung saan unang napanood si Yassi sa Mr. Popular Meets Nobody, kung saan kontrabida ang role niya at ngayon nga ay isa naman siyang leading lady sa My Fiance Since Birth, na mapapanood simula ngayong araw, March 9 hanggang March 13 ng 9pm sa TV5.

At sa pagtanggap ng proyekto, ‘di raw big deal kay Yassi kung after magbida ay mabibigyan siya ng kontrabida role.

Tsika nga nito kamakailan, “Sa Viva it does, it does matter para sa kanila. Ako naman, as artist, I want to experience everything. Kung may kontrabida, gusto ko rin ‘yung roles na psycho, gusto ko rin ‘yung inaapi. Like ‘yung sa Cielo De Angelina sa GMA, medyo psychotic ako roon na kontrabida, mga ganu’n. So, nae-enjoy kong lumayo sa sarili at maging ibang tao. Nakatsa-challenge kasi ‘yung mga ganu’ng klaseng role.”

Wala raw ilangan with Vin Abrenica. “Actually, feeling ko, parang sobrang matagal ko na siyang kakilala kasi sobrang pareho sila ng kilos ni Aljur (Abrenica), mapagalaw, mapasalita, kahit sa pagka-gentleman. And ‘yun nga, nagkakilala na kami before. At saka fun kasi ‘yung shoot namin sa Ocean Adventure sa Subic, nakapag-swim pa kami kasama ‘yung sea lion na first time din naming ginawa.

“So, super-saya. Sobrang gaan na katrabaho ni Vin. Magaling ding umarte, may mahuhugot ka sa kanya,” pagtatapos ni Yassi.

John’s Point
by John Fontanilla