Yassi Pressman, kinilig sa nominasyon sa Star Awards for Music 2016

ADVERTISING

Yassi Pressman, kinilig sa nominasyon sa Star Awards for Music 2016

Yassi Pressman
Yassi Pressman

“Kilig much!” Ito ang reaksiyon ng magandang teen actress na si Yassi Pressman nang malamang nominado siya sa darating na Star Awards for Music 2016 para sa kategoryang “Best New Female Recording Artist of the Year” na gaganapin sa October 23, 6 p.m. sa Novotel Hotel sa Cubao, Quezon City.

Labis-labis daw ang pasasalamat ni Yassi sa mga miyemro at opisyales ng Philippine Movie Press Club sa nominasyong nakuha niya sa nasabing award-giving body.

Dagdag pa ni Yassi, “Thank you ng marami sa nomination!”

Ito nga raw ang kauna-unahang nominasyong nakuha ni Yassi sa kanyang singing career kaya naman daw ibang happiness ang kanyang naramdaman nang makarating ang balitang nominado siya.

ADVERTISING

Wish nga raw ni Yassi na masungkit ang tropeo sa nasabing kategorya. Pero if hindi naman daw siya magwagi, okey lang sa kanya. Ang mahalaga raw, nominado siya at napansin ng PMPC ang kanyang first album.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING