Yassi Pressman, frustrated sa kanyang career noon sa Siyete

ADVERTISING

Yassi Pressman, frustrated sa kanyang career noon sa Siyete

Yassi Pressman, frustrated sa kanyang career noon sa SiyeteNa-frustrate pala si Yassi Pressman dahil parang hindi umaabante ang career niya dati sa GMA-7.

“Kasi, parang hindi po ako umaandar dati. Parang sabi nila sa akin dancer ka, dancer ka lang. Puwede kang umarte minsan, pero dancer ka lang.

“Gusto ko talagang maging total performer, parang si Sarah Geronimo, si Toni Gonzaga na nagho-host, umaarte, kumakanta, sumasayaw. Iyon talaga ang gusto ko sa buhay, sobrang passionate ako roon. So, ‘pag sinasabihan akong ‘hindi mo kaya’ at ‘hindi mo puwedeng gawin’, personal sa akin ‘yun, eh, na masakit,” chika ni Yassi Pressman sa presscon ng Wattpad Presents MTV.

Lalo siyang na-disappoint nang matuklasan niyang may mga projects na dapat sa kanya, pero sa iba napunta.

ADVERTISING

“Alam ko rin po na maraming pagkakataon na dapat sa akin (ang isang project) na nababalitaan ko, pero hindi natutuloy. Napupunta sa iba. At naiintindihan ko naman dahil may kanya-kanya tayong struggles, pero inaantay ko rin ‘yung  time ko. Kaya rin ako nahirapan before kasi ang akala ko hindi na darating (‘yung break) ko.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING