Yassi Pressman excited sa pagpasok ni Julia Montes sa ‘Ang Probinsyano’

Leo Bukas

INAMIN ni Yassi Pressman na masaya siya sa pagpasok ng karakter ni Julia Montes sa longest-running action serye na FPJ’s Ang Probinsyano na napapanood sa Kapamilya channels.

“Definitely a great move!” simulang tugon ni Julia sa tanong namin kung ano ang reaksyon niya na magiging bahagi na rin ng FPJAP si Julia.  Nakausap namin si Yassi sa ginanap na digital presscon ng Viva nitong Lunes, August 23.

Yassi Pressman excited sa pagpasok ni Julia Montes sa 'Ang Probinsyano'
Yassi Pressman

Si Yassi na gumaganap ng karakter ni Alyanna na nagsilbing “unang pag-ibig” ni Coco Martin bilang si Cardo Dalisay sa naturang action serye. Limang taon ding naging bahagi ng FPJAP si Yassi. Si Julia naman, base sa trailer ng pelikula  ang sinasabing “huling pag-ibig” ni Cardo.

Dagdag na pahayag pa ni Yassi,  “I am so excited. Nung nakita ko, sabi ko, this is definitely a great move. Kasi po, sigurado akong nami-miss ng lahat ng mga tao si Julia Montes.

“Ang tagal-tagal niya po nagpahinga siguro. I don’t know what she did, but I’m sure it was great for her. And for her to be coming back sa Ang Probinsyano, sigurado po ako na inaabangan ng lahat.”

Muli ay nag-wish ng goodluck si Yassi sa panibagong yugto ng action seryeng pinagbibidahan ni Coco.

“I just wish them the best kasi alam ko po na kahit anong gawin ng Ang Probinsyano family, it will always going to be hard, pinag-isipan na mabuti at laging exciting,” lahad pa ng aktres.

Nagpaalam si Yassi sa FPJAP noong January 2021 dahil sa conflict of schedule. After acting ay pinasok niya naman ang pagho-host ng game show na Rolling In It sa  TV5.

Aminado si Yassi na nahirapan talaga siyang kumalas noon sa karakter ni Alyanna pero ngayon daw ay nakaya na niya itong iwanan.

Yassi Pressman excited sa pagpasok ni Julia Montes sa 'Ang Probinsyano'
Julia Montes | Coco Martin and Yassi Pressman

“It was hard, opo. Sobrang mahirap po  to take myself always from Alyanna kasi po  parang naging ako na po siya dahil sa araw-araw po naming pagte-taping dala-dala ko na po talaga siya. Hindi ko po siya makakalimutan pero kinaya ko na po siyang itabi for now to play new characters, new experiences and new projects,” paliwanag niya.

Samantala, hindi rin naiwasang ungkatin kay Yassi kung ano ang reaksyon niya sa balitang nakikipag-usap na ulit sa Viva ang kaibigan niyang si Nadine Lustre. Nakasama ni Yassi si Nadine sa hit movie ng Viva na Diary ng Panget na pinagbibidahan din ni James Reid.

“I have nothing to say. Hindi po ako kasali. But I love my Viva family and I love my friend Nadine, and I hope things get better.

“Actually, I don’t know what’s going on. Wala po akong masasabi,” matipid na reaksyon ni Yassi na sinundan ng matamis na ngiti.

Meanwhile, Yassi will star in the much-anticipated Philippine remake of the Korean hit  movie More Than Blue.  More than Blue  premiered in 2009 in South Korea to incredible box office heights .  It has been remade in Taiwan and is  the highest grossing Taiwanese film to date with over 300 million dollars box office receipts when it premiered in 2018.