Yassi Pressman, buking na sila ni Coco pero ayaw umamin!

ADVERTISING

Yassi Pressman, buking na sila ni Coco pero ayaw umamin!

Yassi Pressman, buking na sila ni Coco pero ayaw umamin!
Yassi Pressman

CUTE tingnan ni Yassi Pressman kapag nara-rattle na siya sa mga sunod-sunod na tanong ng mga reporters sa kanya tungkol kay Coco Martin during the grand media conference ng pelikula niya na Para Sa Broken Hearted na showing na next week, October 3 sa mga sinehan sa buong bansa.

ADVERTISING

Ang kuwento ng pelikula na halaw sa nobela na sinulat ng mahugot at ma-emote din na na si Marcelo Santos III na produced ng Viva Films at Sari Sari Films ay tungkol sa 5 puso na may kanya-kanyang kuwento tungkol sa lovelife nila namadugong tinahak ang pagkikipaghiwalay sa mga karelasyon at kung paaano nila ito nalampasan.

Sabi  ni Yassi, hindi si Coco ang boyfriend niya tulad ng mga naglalabasan na mga tsismis kahit ilang taon na rin sila magkasama sa aksyonserye na FPJ’s Ang Probinsyano. Si Coco, pangiti-ngiti lang. Mahirap masukol. Ang dalaga, halata mo na todo iwas na mabuking.

Yassi Pressman, buking na sila ni Coco pero ayaw umamin!
Yassi Pressman

Si Yassi, namamawis at nalilito kapag lovelife na nila ng aktor ang usapan. Pero ang dalaga,palagi in general ang sagot sa media na nakapaikot sa kanya.

ADVERTISING

Example: Maalaga si Coco sa kanya. Syempre, special someone. Sagot ni Yassi: “Maalaga siya sa amin. Lahat kami inaalagaan niya. He cares for all of Us,” na another pagiwas na sagot ni Yassi.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING