Yassi Presman, Walang balak na sulutin si Vin Abrenica kay Sophie Albert

Yassi Presman, Walang balak na sulutin si Vin Abrenica kay Sophie  Albert

Yassi-PressmanAYAW RAW manira ng magandang relasyon ni Yassi Pressman kaya naman daw iwas siyang ma-link sa kanyang leading man sa TV5’s Wattpad Presents: My Fiance Since Birth na si Vin Abrenica, na ayon dito ay maganda ang relasyon kay Sophie Albert.

Kaya naman tsika nito na malabo raw silang ma-link ni Vin sa isa’t isa “Naku malabo ‘yun! Although I’m single , alam naman natin na may Sophie Albert siya. Taken na siya. Kaibigan siguro, puwede pa . Pero y’ung i link kami parang hindi yata tama.”

Being single after ng break up nila ni Sef Cadayona, wala pang napapabalita na nagkaroon ito ng bagong BF.
“Siguro choice ko na maging single muna sa ngayon. Masyadong marami kasi akong ginagawa , sunud-sunod kasi ang projects ko sa Viva kaya hindi ko nabibigyan ng oras ‘yung tungkol sa pagkakaroon ng boyfriend.
“Pero marami silang nagpaparamdam , pero ayoko pa muna , tsaka na lang, career muna ang focus ko.”
Joel-Cruz-TwinsTwins ni Joel Cruz, modelo na

MODELO NA rin ang twins ng Lord of Scents na si Joel Cruz na sina Prince at Princess dahil balitang isasama ito ni Ruffa Guttierrez sa fashion show ng Love Collection nila ng mga anak na sina Lorin at Venice in collaboration with fashion designer Rajo Laurel na magaganap sa March 21, sa launching ng bagong collection.
Super dooper excited nga raw si Sir Joel na makitang rumampa ang kanyang mga mahal na anak. Gusto nga rin daw ni Sir Joel na makita ang kanyang nga babies sa mga pambatang komersyal sa telebisyon.
At habang lumaki nga ang mga ito, mas lalong gumaguwapo at gumaganda ang mga ito at nagiging bibo at biba.

Justine-LeeFirst concert ni Justin Lee sa Iloilo, matagumpay

VERY SUCCESSFUL ang kauna-unahang konsiyerto ng Gawad Kabataan ambassador na si Justin Lee, entitled “Awit ng Kabataan: Justin Lee in Concert na ginanap sa Football Field, Sta Barbara, Iloilo City last February 14, 2015 na inihatid ng SMAC TV Productions.
Naging espesyal na panauhin nito ang kapwa nito Gawad Kabataan ambassador at ABS-CBN Star na si Teejay Marquez at ang mga Gawad Kabataan youth correspondents na sina Prince, Angelica, Chester, at Greco. Kasama rin ang iba pang SMAC TV talents na sina Megan, Rain, at Grey.

Itoy hatid ng Penshoppe, M Lhuillier, GPRS at CM digi.

John’s Point
by John Fontanilla