VLOG WATCH: Yasmien Kurdi at Rainier Castillo, nagkabalikan?!

Vlog Watch

FAN BA KAYO ng Starstruck? Or Certified Kapuso ba kayo? Kung YES ang iyong sagot, malamang ay nasundan mo ang karera nina Rainier Castillo at Yasmien Kurdi o RainYas.

Hindi maikakaila na ang first batch ng Starstruck ang pinakasikat at hanggang ngayon ay memorize pa rin ng fans ang mga pangalan nila kahit na ang iba sa kanila ay hindi na aktibo sa showbiz. Iba pa rin ang ‘Dream, Believe, Survive’ sa kanilang batch.

Itinanghal na First Prince si Rainier Castillo habang si Yasmien Kurdi ang First Princess kina Mark Herras at Jennylyn Mercado na mga tinanghal na Starstruck Ultimate Survivors. Dahil parehong runners-up, automatic din na silang dalawa ang binuildup na loveteam ng Kapuso Network kahit na noon ay romantically linked sila sa ibang ‘avengers’ (hello Dion Ignacio at Sheena Halili! Chos!).

Nagsama sina Rainier Castillo at Yasmien Kurdi sa ilang pelikula at palabas tulad ng So Happy Together, Happily Ever After, Click, Tasya Fantasya, Joyride at marami pang iba. Nakatatak din sa kanila ang mga kantang ‘I Love You Babe’ at ‘I Know’. Kahit na may kanya-kanya na silang pamilya, iba pa rin ang clamour ng fans sa kanilang tambalan na ang ilan ay hoping na sana’y magsama sila muli.

 

Kung si Yasmien ay muling aktibo sa showbiz, si Rainier naman ay semi-retired na. In a rare chance ay muling nagsama ang dalawa para sa special episode ng All-Out Sundays. Naging sila ba noon? Babaero nga ba si Rainier? Alamin!