Yasmien Kurdi, titira na sa Kuwait kasama ang amang Lebanese?

Yasmien Kurdi, titira na sa Kuwait kasama ang amang Lebanese?

Yasmien-KurdiSA PANDACAN, Manila pala nagte-taping ang cast ng Yagit na mga baguhang kabataan ang bida na sinuportahan ng mga sikat na teenstar na sina Yasmien Kurdi, LJ Reyes, atbp. na idinidirek ni Gina Alajar.

Malapit sa disgrasya ang venue ng taping. Kitang-kita nga naming muntik nang madaanan ng rumagasang tren ang isang eksena. Mabuti na lang maagap ang mga production staff sa kasisigaw sa mga ito para makaiwas sa rumaragasang tren.

Tamang-tama naman nang dumating kami ay lunch break kaya nagkaroon kami ng pagkakataong makausap si Yasmien na balitang may problema raw sa kanyang husband. More than two years na kasi silang nagsasama at may isang anak na babae na 2 years old. Nangangayayat kasi ngayon si Jasmine.

“Wala po akong problema sa husband ko. Baka po siya ang may problema sa akin, hahaha!” Aniya.

Super excited na nga si Jasmine sa darating na Pasko dahil magkikita na sila muli ng kanyang daddy na naka-base ngayon sa Kuwait. Year 2008 pa raw sila huling nagkita ng ama at ngayong darating na Kapaskuhan ay pupunta sila ng kanyang husband at anak sa Kuwait.

“Excited na ako! Actually, hindi alam ni Daddy na pupunta kami. Nakipagkutsaba ako sa Tito na nag-ayos ng aming visa. Walang alam si Daddy na darating kami. Sana hindi mabasa ni Daddy itong interview ko, hahaha! December 23 ang alis namin at 23 din ng gabi ang dating namin doon. Didiretso muna kami sa hotel at saka ako pupunta sa bahay ni Daddy.

“18 years old ako nang maghiwalay sina Mommy at Daddy. Nag-asawa na si Daddy ng isang Lebanese din at hindi na nag-asawa pa muli si Mommy,” kuwento ni Yasmien.

Wala raw naging anak ang daddy niya sa napangasawang Lebanese kaya siya pa rin ang nag-iisang anak. Kaya ang anak niya rin ang nag-iisang apo ng kanyang ama. When asked, baka kapag nagkita na sila ng ama ay hindi na sila pabalikin ng ‘Pinas?

“Hindi puwede, kasi may expire date ang visa namin. Mga four days kaming mag-stay sa bahay ni Daddy. Doon kami magse-celebrate ng Christmas. Tapos didiretso kami sa daddy ng husband ko na naka-base sa Dubai. Doon naman kami magse-celebrate ng New Year,” pagtatapos ni Jasmine dahil tinatawag na siya para kunan ang susunod na eksena nila ng mga tsikiting para sa Mga Batang Yagit.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo