Yasmien Kurdi, kabadong makumpara kay Charo Santos

ADVERTISING

Yasmien Kurdi, kabadong makumpara kay Charo Santos

Yasmien-KurdiMASAYANG ITSINIKA ni Yasmien Kurdi na makikita at makilala na ng kanyang amang naka-base sa Bahrain ang kanyang anak na si Ayesha. Nakatakda siya at husband na si Rey Soldevilla at siyempre kanilang anak na magpunta ng Bahrain sa December, kaya ngayon pa lang ay nagpasabi na siya sa production people ng Yagit.

ADVERTISING

“Gusto na kasing makita ni daddy ‘yung apo niya. Pati si Rey ay gusto na rin niyang makilala. Kaya perfect time ‘yung Christmas para magsama-sama kami. Excited na si Rey kasi first time niyang ma-meet si daddy. Pero mas excited kami for Ayesha kasi first time silang magkikita ng lolo niya,” masayang tsika ni Yasmien.

Sa launching nga ng Yagit, marami ang nakapansin na ang laki ng ipinayat ni Yasmien mula nang bumalik siya sa pag-arte. Huli siyang napanood sa Rhodora X at ngayon ay nabigyan siya agad ng lead role as Dolores sa remake ng Yagit.

Sa movie version ng Mga Batang Yagit, ang role ni Yasmien ay ginampanan ni Charo Santos-Concio kaya pressured daw si siya na makumpara ang acting niya kay Ms. Charo.

ADVERTISING

“Nakakakaba po kasi si Ms. Charo ang gumanap sa role ko sa film version. Sana po, nagampanan ko nang tama para hindi nakakahiya. Someday, gusto ko pong maging isang Charo Santos din,” natatawang say ni Yasmien.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING