Yam Concepcion ikinasal na sa New York

SHE’S MARRIED!

Ikinasal na ang Init sa Magdamag star na si Yam Concepcion sa kanyang longtime non-showbiz boyfriend na si Miguel CuUnjieng. Iginanap ang simple yet memorable ceremony sa sa isang boat na bumabyahe sa New York City na dinaluhan ng piling kapamilya at kaibigan noong July 24.

Yam Concepcion ikinasal na sa New York
Yam Concepcion and husband Miguel CuUnjieng

Noong nakaraang buwan ay sinorpresa ni Yam ang kanyang mga fans nang aminin niya na noong Decemmber 2018 pa pala siya engaged sa kanyang nobyo. Naganap ang romantic proposal sa Niseko, Japan. Pinili lang nila na ilihim muna ang pagbabagong ito sa kanilang relasyon para na rin ma-enjoy na rin ang kanilang privacy. Isa pa, busy noon si Yam sa dami ng TV and movie projects niya.

Marami ang natutuwa para sa newly married couple. Sa mga nakakamiss kay Yam, regular itong nagu-upload ng kanyang NYC adventures sa kanyang sariling YouTube channel.

Samantala, natapos ni Yam ang ilang cycles ng lock-in taping para still ongoing and highly-talked about primetime drama show nila nina JM De Guzman at Gerald Anderson na ‘Init sa Magdamag’. Pinupuri ng mga tao ang husay sa pag-arte na ipinapakita nito bilang Rita.

Once again, congratulations, Yam and Miguel! Enjoy your honeymoon!