Yam Concepcion engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend

ENGAGED NA ang Init sa Magdamag star na si Yam Concepcion sa kanyang US based boyfriend na si Miguel CuUnjieng.

Ito ang big reveal ng aktres sa pamamagitan ng kanyang Instagram account. The surprising part? Noong December 31, 2018 pa pala siya engaged!

Yam Concepcion engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend
Yam Concepcion and Miguel Cuunjieng

Sa Niseko, Japan nag-propose sa kanya si Miguel. Understandable naman kung bakit mas pinili ni Yam na huwag na munang isapubliko ang magandang pangyayaring ito mula sa kanyang personal na buhay dahil nasa peak ito ng kanyang karera bilang isang teleserye star. Kung tama ang pagkakaalala namin, fresh pa sa mga tao noon ang pagganap niya bilang Jade sa ‘Halik’. Alam naman natin kung gaano karami ang gigil sa kanyang karakter, ‘di ba?

Nakahinga na rin sa wakas ang kanyang fiancé. Pahayag nito sa kanyang Instagram, “Now that my better half has made the call, time for me to join in the long-delayed celebration.

“I’ll start with just how hard it was to keep this secret for so long – I’ve wanted few things more than to be able to yell this as loud as I can using every means I have!”

Patuloy pa niya, “I asked her twice for good measure. You are my only wish, and of granted two wishes you are also my second.

“I’ve loved you more each day since the magical one in Niseko, and I promise to give you my 100% for our forever to go.

“I thank the universe everyday you said yes, and will never know how I got so lucky.”

Nabanggit ni Yam sa isang interview na ‘love at first sight’ ang nangyari sa kanila ni Miguel, na nagtatrabaho sa isang bangko sa New York.

Sa ngayon ay magkasama ang dalawa sa Amerika at regular din ang pagpopost ni Yam sa kanyang YouTube channel. Natapos na ni Yam ang taping niya para sa pinagbibidahang serye na ‘Init sa Magdamag’ kung saan naglalagablab ang kanyang chemistry kina Gerald Anderson at JM de Guzman.

Congratulations, Yam and Miguel! Kailan ang kasal?

Previous articleKPOP Album Review: Summer Queen by Brave Girls
Next articleKAPUSO NA: Xian Lum, makakatambal si Jennylyn Mercado sa isang teleserye!