Yam Concepcion, bida na sa ‘Init sa Magdamag’

ADVERTISING

KUNG noong 2018 hanggang 2019 ay kinainisan siya ng mga televiewers bilang Jade sa ‘Halik‘ at binansagang ‘Pambansang Kabit’ at this year naman ay naimbyerna ang mga tao sa kanya sa pagganap bilang Jade Wong sa Love Thy Woman, it’s about time na si Yam
Concepcion naman ang maging bida sa teleserye.

Yam Concepcion, bida na sa 'Init sa Magdamag'
Yam Concepcion

Pagkatapos ng ilang taong pagganap bilang second lead o kontrabida ay promoted na sa bida status si Yam Concepcion sa upcoming Kapamilya drama series na ‘Init sa Magdamag‘. Produced by Star Creatives, makakasama ng dalaga ang dalawang magaling na Kapamilya leading men na sina Gerald Anderson at  JM de Guzman.

ADVERTISING

Coincidentally, silang tatlo ay pare-parehong kakatapos lang ang teleserye sa Kapamiya Network. Namaalam sa ere ang Love Thy Woman at A Soldier’s Heart noong nakaraang buwan habang ang family series na ‘Pamilya Ko‘ ni JM de Guzman ay ongoing at nalalapit na rin ang pagtatapos nang i-implement ang Enhanced Community Quarantine o ECQ sa bansa noong March 2020. Isa ito sa mga programang hindi na itinuloy na iprodyus ng ABS-CBN (ang isa ay ang LizQuen series na ‘Make it With You). At least ngayon ay may bago nang proyekto si JM.

Maituturing na ‘fresh’ ang pagsasama ng tatlong bida na nalinya na sa drama. Siguradong maliban sa maiinit na eksena (papayagan kaya under ‘the new normal’ ang steamy scenes?), siguradong magsho-showdown din ang tatlo pagdating sa aktingan. Title pa lang, nakaka-intriga na!

ADVERTISING

Happy kami para kay Yam dahil matagal-tagal na rin nitong naipakita ang kanyang galing sa pag-arte sa kanyang past teleseryes. Si Gerald Anderson ay mukhang nakabangon na rin sa kontrobersyang kinasangkutan noong nakaraang taon at nabitin naman kami sa ‘Pamilya Ko’ series ni JM na hindi na nabigyan ng magandang ending.

Congratulations Gerald, JM and especially to you, Yam!

ADVERTISING