Yael Yuzon, kinuyog sa social media sa ‘bakla’ isyu

ADVERTISING

Yael Yuzon, kinuyog sa social media sa ‘bakla’ isyu

1 Yael-YuzonYael-Yuzon“I DO not discriminate against gay people. I never did and I would never say anything na ganun. I am thankful that Direk Bobet tried to fix the situation. I already called Vice, and cleared what was needed to be clarified.”

That was Yael Yuzon’s statement regarding his rift with Vice Ganda.

Marami ang nam-bash kay Yael when Vice revealed that he was pissed off nang i-partner ang girlfriend niyang si Karylle kay Vice.

Nang mag-post si Yael ng photo of sheeps na kasam ang ganitong caption: “Man, i would love to see New Zealand. #sheep,” ay kaagad na inisip ng ilang followers niya na na pinariringgan niya si Vice Ganda.

ADVERTISING

“vice kamukha mo daw mga sheep oh! inaasar ka talaga! hahaha @praybeytbenjamin,” one follower commented.

“you should not discriminate Gay,” mataray naming sabi ng isang guy.

“sorry pero ang dami po nagalit sa inyo sa school dahil hindi porket bakla daw eh minamaliit kasi ang mga bakla tao rin daw po…. loveteam lang naman daw po eh…. dapat nirerespeto rin sila,” one said.

Pero sabi nga ni Yael, hindi siya nagdi-discriminate ng gays.

 

ANTOINETTE TAUS is excited daw to meet Marian Something nang personal.

“Sana pansinin naman niya ako,” she was quoted in an interview.

Antoinette is in the country for a short visit. Kasama yata niya ang brother niyang si Tom Taus.

Anyway, bakit kaya niya nasabing sana ay pansinin siya ni Marian? Meron ba siyang alinlangan na baka hindi siya kausapin ni Marianita? Nasupladahan ba siya ni Marian noong araw?

Ginagamit ba niya si Marian para medyo umingay ang visit niya sa Pilipinas?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING