Xian Lim, walang balak ligawan si Kim Chiu

ADVERTISING

Xian Lim, walang balak ligawan si Kim Chiu

Xian-Lim-Kim-ChiuPALIBHASA CLICK sa mga fans ang tambalang Kim Chiu at Xian Lim kaya’t patuloy silang ginagawan ng pelikula ng Star Cinema. Sila na ngayon ang hot property ng Star Magic. Kaliwa’t kanan pa ang product endorsements. Tuloy, nasa utak na ng actor, sikat na sikat na nga siyang artista dahil kumikita ang pelikula nila ni Kim. Walang kiber si Xian kung sabihan man siyang mayabang, feeling great at nagbabago na ng pag-uugali.

Deadma na lang si Xian kapag may mga negative write-up na naisusulat laban sa kanya. Hindi raw maiiwasang may mga bad publicity laban sa kanya. Natural lang daw ‘yun sa isang artista lalo’t sumisikat at nagkakapangalan tulad niya. Wala daw siyang dapat ipaliwanag o sagutin. Kung ‘yun ang opinyon ng isang writer tungkol sa kanya, wala siyang magagawa. Huwag lang daw below the belt, ibang usapan na ‘yun.

Well, positive daw ang pananaw ni Xian sa buhay kung kaya’t naging close agad nila ni Kim. Pero kung minsan kapag wala ito sa mood, nakapagsasalita o nakagagawa nang hindi maganda na hindi raw niya sinasadya. Agad siyang natatauhan, nagso-sorry sa taong nagawan niya ng kasalanan. As loveteam, bagay talaga kina Xian at Kim ang romance comedy, hindi niya kailangang mag-effort para tawaging actor. Pakiligin lang nila ang mga fans, sure winner na agad sa takilya ang kanilang pelikula. Pinatunayan ito nina Kim at Xian sa huli nilang movie na ikinagulat ni Malou Santos.

Hayaan na lang natin sa pelikula magkaroon ng romantic relationship sina Kim at Xian para sa ikatutuwa ng mga fans. Pero in real life, malabong ma-develop ang feeling nila sa isa’t isa. Palaging sinasabi ni Kim na the best of friends lang sila ni Xian. Nand’yan palagi sa tabi niya ang binata if she need a friend. Maging ang actor/singer, never nagparamdam o nagpalipad-hangin sa dalaga. Mas ini-enjoy raw nila ang friendship na mayroon sila ngayon. Lalo pa silang naging close dahil sa sunud-sunod na pelikulang kanilang pinagsasamahan.

ADVERTISING

Very vocal si Kim na sinasabing madalas siyang dalawin ni Xian sa bahay kapag wala siya shooting or taping. Buong pamilya nga raw niya ay close sa binata. Napaka-thoughtful daw nito, palaging may dala-dala tuwing bumibisita ang actor sa bahay nila. Maging ang parents ni Xian ay giliw na giliw kay Kim. Bukod daw sa magaling na actress ang dalaga, napaka-down-to earth pa raw nito.

Hindi lang pala fans nina Kim at Xian ang nangangarap na magkatuluyan ang dalawa. Pati pala ang magulang ng actor/singer, boto sila sa young actress na maging girlfriend ng kanilang anak, tsika ng kausap namin. Kapag si Xian ang tatanungin, gusto muna raw niyang mag-focus sa career bago ang lovelife. Ganu’n? Kailan naman kaya ito mangyayari?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING