Xian Lim, wala raw masama sa pagpapaka-daring ni Kim Chiu

Xian Lim, wala raw masama sa pagpapaka-daring ni Kim Chiu

Xian-Lim-Kim-ChiuNAGLE-LEVEL-UP NA ang pagiging aktor ni Xian Lim. Pumayag na siyang gumawa ng shower scene sa mobile series nila ni Kim Chiu na Must Date The Playboy. First time niya itong ginawa kaya maraming nag-abang.

Maging ang ka-loveteam niyang si Kim ay daring na rin ang role sa latest offering ng Star Cinema na Etiquette for Mistresses na pinagbibidahan din nina Kris Aquino, Cheena Crab, Iza Calzado, at Claudine Barretto under the direction of Chito Roño.

Ayon kay Xian, aware siya na daring ang role ni Kim sa ‘Etiquette’ at wala raw naman siyang nakikitang masama rito.

“Part naman ‘yon ng trabaho niya as an actress. Kumbaga, wala namang personal do’n. Kung ano ‘yung hinihingi ng role niya, ginagawa lang niya. At saka, tama rin naman ‘yung sinabi niya na woman na siya. Hindi na siya bata,” katwiran ni Xian.

Maging si Xian ay open din sa paggawa ng daring role basta kinakailangan sa istorya.

“Basta huwag lang ‘yung… alam mo na, na gagawin lang para maka-attract ng viewers. Walang problema sa akin ‘yung mga ganu’n as long as nire-require talaga ng script at ng istorya sa pelikula,” sey pa niya.

Kasalukuyang tinatapos ni Xian ang pelikula with Angel Locsin and Vilma Santos from Star Cinema. Magti-taping na rin siya ng The Story of Us na balik-tambalan nila ni Kim.

La Boka
by Leo Bukas