Xian Lim, umiyak sa presscon ng “Everything About Her”; nag-trending sa Twitter

ADVERTISING

 alt=

Xian-LimNag-Trending sa Twitter ang #WeLoveYouXianLim kagabi, January 17. May kaugnayan ang nasabing trending topic sa pag-iyak ni Xian Lim sa kalagitnaan ng presscon ng pelikulang “Everything About Her” na ginanap sa 9501 ELJ Building sa ABS-CBN Compound sa Quezon City kahapon.

ADVERTISING

Napaiyak si Xian Lim nang magbigay ng kani-kaniyang testimonya sina Vilma Santos, Direk Joyce Bernal, at Angel Locsin patungkol sa kanya. Sa Q & A, hiningan kasi ni Ogie Diaz ng testimonya ang mga nasabing kasama ni Xian sa pelikula sa kung nagkaroon ba ng pagbabago sa pag-arte ng aktor.

Mataandaang noong nakaraang taon, kaliwa’t kanan ang negative write-ups laban kay Xian sa acting ability nito.

Naunang nagbigay ng pahayag si Vilma kung saan sinabi nito na nasasaktan siya ‘pag may negative write-ups kay Xian.

ADVERTISING

“Nasasaktan din ako. Binabatayan ko siya, kasi magka-eksena kami,” ani Vilma patungkol kay Xian na tinawag niyang “edukado”.

Proud din ang Star For All Seasons sa outcome ng trabaho ni Xian sa pelikula. Aniya, “My God, after n’yong mapanood ang movie, ipagmamalaki n’yo si Xian Lim.”

Pumabor din naman si Direk Joyce sa sinabi ni Vilma. Binanggit pa ng direktor na mahusay si Xian sa mga eksenang hindi nito kailangan umarte, ramdam ang ibinibigay nitong emosyon. Na siyang pinakamahirap daw na ginawa ni Xian sa pelikula, pero mahusay nitong naitawid.

Sa parte ni Angel, inamin ng aktres na noong una, natakot siyang makatrabaho si Xian dahil nga sa mga negatibong naririnig tungkol sa binata. Pero kalaunan, na-realize niyang mabait pa lang kasama ang aktor, “very humble and very educated”.

“Tina-try niya kaming kausapin lahat,” ani Angel.
“Naaawa ako kay Xian ‘pag may nakikita ako sa Instagram account ko na, ‘Sana hindi si Xian.’ It’s very unfair kay Xian na bakit siya ang nilalagay sa spotlight,” dagdag pa ng aktres.

Pagpapalakas-loob pa ni Angel kay Xian, “Xian, ‘pag lumabas itong pelikula, ipanood mo sa mga bashers mo. You’re really good dito sa film na ito.”
Nang magsalita na si Xian, garalgal ang boses at maluha-luha ito.

“Nagpapasalamat ako sa Star Cinema for giving me the chance to give it everything I’ ve got. Nagpapasalamat ako kay Direk Joyce for giving me trust. Hindi lahat naniniwala sa akin,” pag-amin ni Xian.
“Nung kasagaran ng issue, to everyone, sa lahat ng press, nagpapasalamat po ako, kasi sa inyo po ako humuhugot ng lakas. Everything is learning and I believe when you stop learning, you die. Everything is a learning process,” dagdag pa ng aktor.

Palabas na sa mga sinehan sa buong bansa ang “Everything About Her” simula January 27.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING