Xian Lim, topless lagi sa bagong serye nila ni Kim Chiu

ADVERTISING

Xian Lim, topless lagi sa bagong serye nila ni Kim Chiu

Kim-Chiu-Xian-LimDahil nag-topless na si Xian Lim sa MMFF movie na All You Need Is Pag-ibig ng Star Cinema, marami ang nag-i-expect na more flesh pa ang ipakikita niya sa bagong telesye nila ni Kim Chiu na “The Story Of Us”.

ADVERTISING

Hindi na nga naman sila bumabata. Kailangan na nilang mag-level-up at talikuran na ang magpa-tweetums dahil maging ang audience nila ay nag-matured na rin. We’ll see if anong bago sa tambalang KimXi ang mapanonood natin sa “The Story Of Us”.

Isa pa sa ini-expect namin na gagawin nina Kim at Xian Lim ngayong 2016 ay ang pormal nilang pag-amin sa kanilang relasyon. Wala kasing naniniwala na friends lang sila base sa kanilang ikinikilos.

Eh, what’s wrong kung magdyowa sila, ‘di ba? Bagay naman sila. Simula rin nu’ng naging loveteam sila, wala na kaming nabalitaan na meron silang idini-date na iba.

ADVERTISING

Samantala, bago para kay Xian ang role niya sa “The Story of Us”. Gaganap siyang mangingisda sa series. Pero ang catch dito, lagi siyang topless, kaya mabubusog ang mga mata ng mga beki.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING