Xian Lim to play Mayor Isko Moreno in ‘Yorme: The Musical’

Leo Bukas
NAPILI NA ng Saranggola Media Productions kung sino ang gaganap na Isko Moreno sa musical film na kanilang ginagawa ngayon mula sa direksyon ni Joven Tan. Ito ay walang iba kung hindi ang Viva artist na si Xian Lim.
Kay Xian Lim ibinigay ng Saranggola ang pagkakataon na i-portray sa big screen ang katauhan ni Manila Mayor Isko. May ibang mga aktor na ikinonsider pero masuwerteng kay Isko na-award ang role.
Xian Lim to play Mayor Isko Moreno in 'Yorme: The Musical'
Xian Lim
Sa Instagram post ng aktor ay ibinahagi niya ang isang larawan na kamukhang-kamukha niya si Isko. Kuha ang picture  habang nagre-recording ang aktor. Nakatanggap din kami ng isa pang photo mula sa grupo ng taga-suporta ni Xian na kuha sa syuting ng Yorme sa Batangas noong March 18.

Plano ng production team ng Yorme na iharap sa entertainment press sina Xian at Mayor Isko pero kasalukuyan pa raw inaayos ang mga detalye tunkol dito.

Ayon sa interbyu namin sa producer ng Saranggola na si Ms. Edith Fider, happy siya na si Xian ang  kanilang naging final choice for the role. Sobrang bilib daw siya sa professionalism ng aktor at sa kahandaan nito sa mga kinukunang eksena. Memorize din daw nito ang mga kanta kaya hindi sila nahihirapan sa syuting.

Bukod sa pagiging aktor ay isa ring singer si Xian at nakapaglabas ng ilang albums sa Star Music. Malaking advantage din na marunong siyang kumanta na isa sa mga qualifications na hinahanap ng producer para sa ginagawang musical-drama.

Samantala, bukod kina Xian at McCoy ay may partisipasyon din sa pelikula si German Moreno bilang producer/host ng programang That’s Entertainment kung saan nagsimula si Isko at si Daddy Wowie Roxas na discoverer naman at manager ng actor-politician.