Xian Lim, tatlong linggong mananatili sa US

ADVERTISING

Xian Lim, tatlong linggong mananatili sa US

Xian Lim, tatlong linggong mananatili sa USTulad ng kasabihan na ‘busy as a bee during summer’, ganun nga siguro maihahalintulad ang schedules ni Xian Lim sa unang bugso ng bagong taon.

ADVERTISING

Bukod kasi sa super busy si Xian Lim sa promotion ng pelikula niyang “Everything About Her” with Vilma Santos and Angel Locsin na palabas na sa darating na Wednesday, January 27; kasabay naman ang pagbubuo ng bagong teleserye niya with Kim Chiu na “The Story of Us” na sinimulan na nilang mag-taping sa Palawan; keri pa rin ng binata ang kaliwa’t kanang schedules niya.

Sa katunayan, ilan ang mga block screenings ng pelikula nila with Ate Vi and Angel na dadaluhan niya tulad ng promise niya sa kanyang mga fans. Pero after ang sagad-sagarang promo schedules niya, aalis naman siya for the US (New York yata) para kunan ang ilang mahahalagang eksena sa bago nilang teleserye ni Kim.

Sa pagbabalita sa amin ng publicist ni Xi, almost three weeks mananatili ang binata para tapusin ang  mga eksena nila ng kapartner.

ADVERTISING

I just don’t know kung sa pagpunta niya sa US ay sabay naman niyang aayusin ang problema niya sa IRS, para maayos na ang kanyang tax problem sa Amerika.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING