Xian Lim, super excited na kasama si Kim Chiu sa show sa Amerika

Xian Lim, super excited na kasama si Kim Chiu sa show sa Amerika

Kim-Chiu-Xian-LimPAREHONG NASA Amerika pa ngayon sina Xian Lim at Kim Chiu. Umalis sila bago mag-Holy Week para sa One Magic Night concert tour. Naging super excited si Xian dahil almost one year daw silang hindi nagkasama ni Kim sa out of the country show.

“Kasi, ang tagal na ring hindi kami nakapagsama ni Kim sa isang tour kaya we’re really happy. ‘Eto, makaiikot kami ulit na kasama ko siya. So, ‘yun… we’re very happy na nandito kami,” sabi ni Xian.

Balak ni Xian na mamasyal sa limang araw nilang pahinga sa Amerika after the show. Sa San Francisco ang kanilang stop over kung saan tagaroon dati si Xian.

Halata sa mga mata ni Xian ang excitement na muling makasama si Kim. “Lagi kasi kaming magkahiwalay sa mga tour, buti nga ngayon, magkasama na kami,” sey pa ni Xian.

Nang tanungin ang aktor kung totoo ba na absence makes the heart grow fonder sa kaso nila ni Kim, ang sabi nito, “oo naman, oo naman,” sabay amoy sa buhok ng ka-loveteam.

Magiging busy si Xian sa syuting ng pelikula ng Star Cinema kasama sina Vilma Santos at Angel Locsin. Muli naman silang magkakasama ni Kim sa isang romcom ng Star Creatives na sisimulan din any time soon.

La Boka
by Leo Bukas