Xian Lim, shock-absorber ni Kim Chiu

ADVERTISING

Xian Lim, shock-absorber ni Kim Chiu

Xian Lim, shock-absorber ni Kim ChiuTHANKFUL SI Kim Chui kay Xian Lim sa pagdating sa buhay niya. Bukod sa lovey-dovey ang sinasabing “friendship” nila, shock-absorber din pala ang binata sa buhay ng dalaga.

ADVERTISING

Noong namatay ang ina ni Kim  kamakailan, all out ang supporta ng binata sa dalaga.

Hindi man nila diretsahang inaamin kung ano man silang dalawa (the best of friends ek) mukhang ayos naman ang samahan nilang dalawa.

Xian Lim, shock-absorber ni Kim ChiuSay nga ni Kim on Xian: “I’m happy to meet him sa buhay ko. Not all the time, you meet people na bibigyan ng importansya tulad niya.”

ADVERTISING

Dahil sa click ang samahan nila sa telebisyon, hindi nagdalawang-isip ang Star Cinema na i-produce sila ng pelikulang  Bakit Hindi ka Crush ng Crush Mo?

Tweetums ang dalawa sa recent TV guesting nila. Magkatabing nakaupo na palaging hawak-hawak ang mga kamay sa pagitan nila.

Si Xian, panaka-naka na ang nuances, palaging nakaakbay kay Kim na in the middle of the interview ay nako- conscious kaya inaalis sa balikat ni Kim ang kamay na nakaangkla.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING