Xian Lim sa estado ng relasyon nila ni Kim Chiu: “Nagmamahalan po kami”

ADVERTISING

Xian Lim sa estado ng relasyon nila ni Kim Chiu: "Nagmamahalan po kami"

Xian Lim sa estado ng relasyon nila ni Kim Chiu: "Nagmamahalan po kami"Matapang ang naging pahayag ni Xian Lim tungkol sa kanila ni Kim Chiu.

“Kung tinatanong n’yo po, what’s me and Kim’s story, ang story po namin ni Kim Chiu, nagmamahalan po kami. Kung okay lang po, doon na po natin tapusin, nagmamahalan po kami,” pag-amin ni Xian Lim sa presscon ng The Story of Us.

“Kasi nga po, ‘yun nga, before this presscon, sinabi ko nga, and nag-apologize na rin po ako, sabi ko, baka mapagod na kayo sa naririnig n’yong paulit-ulit na we’re happy, something special, it’s leveling-up… ‘di ba, lagi na lang pong ganu’n?

“Inunahan ko na po ng sorry. Sinasabi ko naman po na hindi ako takot na aminin na mahal na mahal ko si Kim, hindi ako takot na halikan siya, hindi ako takot na ipakita sa lahat ng tao na mahal na mahal ko talaga si Kim.

ADVERTISING

“But at the same time po, ang sinasabi ko lang, ‘pag sinabi natin sa lahat, baka lang po magkaroon ng kumplikasyon. Mayroon naman pong proper time, mayroon naman pong proper place para sabihin sa lahat ang relationship namin,” dagdag pa ng hunk actor.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING