Xian Lim, rebelasyon sa “Everything About Her”

ADVERTISING

Xian Lim, rebelasyon sa "Everything About Her"

Xian Lim, rebelasyon sa "Everything About Her"Natuwa naman kami sa post ni John “Sweet” Lapus na “Xian Lim is officially an actor” after niyang mapanood ang pelikulang “Everything About Her” na pinagbibidahan din nina Vilma Santos at Xian Lim.

Curious tuloy kaming napanoorin ang pelikula kaya gagawa kami ng paraan na puntahan ang imbitasyon ng fans ni Xian sa kanilang pa-block screening sa Megamall para sa “Everything About Her“. Sabi ng ka-chat namin sa IG, darating daw si Xian at ang mommy niya sa kanilang block screening.

Maging ang mga taga-Star Magic headed by Thess Gubi ay proud sa performance ni Xian Lim sa movie. Nag-evolve na talaga ang binata at hindi na kami magtataka kung mga susunod na taon ay manalo pa siya ng mga acting awards.

Sa mga talents kasi ng Star Magic, wala na ‘yung tipong katulad nina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz at Jericho Rosales na matinee idol ang dating, pero mahusay ding umarte. And sa tingin namin, si Xian ang puwedeng magpuno ng gap na ‘yon.

ADVERTISING

Ibang generation naman kasi ‘yung kina Daniel at Enrique Gil. Mas bata sila and Xian is much ahead sa kanila.

Sa lahat ng mga nakapanood na ng “Everything About Her”, iisa lang ang sinasabi nila about Xian. He is truly a revelation in the movie. Bongga!!!

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING