Xian Lim, puwede nang tawaging aktor

ADVERTISING

Xian Lim, puwede nang tawaging aktor

Xian Lim, puwede nang tawaging aktorIn fairness, nabawi ni Xian Lim ang hindi magandang impresyon namin sa kanya noong una bilang isang baguhang artista.

ADVERTISING

Kaliwa’t kanan kasi ang mga sabi-sabi na isang hamonadong artista raw si Xian Lim. Sa diretsahang salita, hindi siya marunong umarte.

Sa katunuyan, ang impresyon ng marami kay Xi noon ay one of those cutie stars lang ng Star Magic at Kapamilya Network na ang popularidad ay nabuo lang dahil sa mga fans at supporters na nagkasya na lang sa mga ngiti niya at kaway na sapat na para tangkilin nila.

Dati kasi, mukha at katawan lang siya at isa mga sampu-samperang mga artista sa showbiz.

ADVERTISING

Pero rebelasyon si Xian sa kanyang performance sa pelikulang “Everything About Her” na pinagsamahan nila nina Vilma Santos at Angel Locsin mula sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal.

Kami man noong una, hindi kami kumbinsido kay Xi bilang isang artista. He was just a good looking face with a sexy bod on screen.

Pero with the right project, puwede palang basagin ni Xian ang negatibo at maling impresyon sa kanya ng media at ang publiko.

Sa performance niya as Albert, siya ang nag-iisang anak ni Vilma Santos na may bone cancer. May problema ang relasyon nilang mag-ina na naging dahilan para lumayo ang anak sa kanyang ina.

Pero pinatunayan ni Xi na this time, iba siya. Ibang-iba sa mga previous performances niya sa telebisyon at pelikula.

Xian was good sa performance niya as Albert na ngayon, naniwala na ako kay Ate Vi at kay Angel na maging sila ay kumbinsido na ibang Xian ang ipinakilala ng binata sa kanila para mabasag ang negatibong reviews at impresyon sa kanya.

Sa katunayan, naging instant fan kami i Xi after watching the film.

Yes, si Xian, puwede ko na siyang tawaging actor. Yes, he is a better actor kumpara sa over rated na male star na kaliga niya.

Ngayon, gusto ko si Xian na gumawa ng mas matitinong projects para naman maipalamas niya na magaling siyang artista at hindi lumaylay ang bagong pagkakakilala sa kanya ng mga press na humanga sa kanyang performance at mga bagong “fans” niya.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING