Xian Lim, pressured sa seryeng tinanggihan ni John Lloyd Cruz

Xian Lim, pressured sa seryeng tinanggihan ni John Lloyd Cruz

Xian-LimNAGSIMULA NANG magtaping ni Xian Lim ng Bridges na pagsasamahan nila nina Maja Salvador at Jericho Rosales. Ito ang seryeng tinanggihan ni John Lloyd Cruz at napunta nga kay Xian ang role.

Inamin ni Xian na may pressure sa kanya dahil isang magaling na actor ang kanyang pinalitan.

“Yes! There’s added pressure knowing na it came from him, pero I can’t really speak on his behalf of course. But I’m really thankful and I’m really excited and I’ll give it my all to make everything work,” say ni Xian sa presscon ng Past Tense.

Aware din si Xian na baka magkaroon ng comparison sa acting nila ni Lloydie at mas lalo pa ito makadagdag ng pressure sa kanya.

Sabi ni Xian, gagawin niya ang lahat para matumbasan ang ginawang pagtitiwala sa kanya ng production.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo