Xian Lim, pinanday ng mga tsismis at intriga

ADVERTISING

Xian Lim, pinanday ng mga tsismis at intriga

Xian Lim
Xian Lim

Naloka ako sa muling panonood ko ng “The Story of Us” na bida sina Xian Lim at Kim Chiu na late night teleserye ng Kapamilya Network.

It was on a Monday evening kung hindi ko nagkakamali nang muli kong napanood si Xian Lim na umarte.

Highlight ni Xian ‘yong eksena na ‘yun na humahagulgol siya na kasama niya sa eksena ang veteran actress na si Susan Africa.

Pinatunayan na naman ni Xian na he is not just a good looking guy on television na pa-cute, dahil this guy can really act.

ADVERTISING

Pinanday na si Xian ng mga tsismis at intriga at mga masasamang karanasan para may paghuhugutan siya para sa gayong mga eksena.

Kaya nga after that dramatic scene of Xian, kaming mga entertainment writers na nakatutok noong gabing ‘yun ay nagpalitan ng opinyon sa napanood namin.

Iisa ang consensus namin about Xian, na hindi na lang siya pa-cute na siyang nakatatak sa isipan ng mga taong hindi siya matanggap na nag-level up na siya.

From the typical pa-cute at pa-tweetums na Xian na napanonood natin sa telebisyon at sa mga nagdaan niyang pelikula, maipagmamalaki ko na si Xian, na ang akala ko noong una na hindi na talaga magbabago ang pagiging “hamonado” niya ay malaki na ang ipinagbago.

Mula nang mapabilang siya sa pelikula ni Vilma Santos at Angel Locsin  na “Everything About Her” na sineryoso niya ang papuri at naging challenge sa kanya ang dalawang mga babaeng aktres na nakasama niya sa pelikula noon, tila tuluy-tuloy na ang pagiging magaling ng isang Xian Lim.

Nakatutuwang isipin na dati ay isa kami sa mga pumupuna sa kanya na waley mararating si Xian bilang isang aktor. Dahil matiyaga at may pangarap na maging magaling sa craft niya bilang isang artista, pinupuri namin si Xian.

Congratulations! Keep up the good work, Xi. Sa susunod, p’wede na siguro siyang makipagsabayan at maihanay kina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, at Jericho Rosales.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING