Xian Lim, pinaghandaan ang bagong look para sa serye nila ni Kim Chiu

Xian-LimBUMULAGA SA amin ang isang bagong Xian Lim. Sexy siya ngayon. Buff na buff na hindi ko inaasahan na ang kanyang katawan na nakatago na lang palagi sa suot-suot na pang-itaas ay iisipin mong patpatin.

Pormang Adonis ang dating ni Xian ngayon sa cover ng isang magazine. Ang abs niya namumutok. Ang mga matitigas na muscles sa kanyang bewang ay nagsusumigaw lalo na ang kanyang braso na kahit sinong babae, lalo na ang mga beki ay pag-iinteresan siya.

Ewan ko kay Kim Chiu (ang babaeng pasado na sa edad ay wala pa rin daw boyfriend), hindi makumpirma kung ano sila ng binata. I’m sure, kilig si Kim sa bagong porma ni Xian na akala ko’y isang international model na puwede i-cover sa GQ or any international magazine cover.

Sabi ng kausap namin, pinaghandaan daw talaga ni Xian ang kanyang bagong look. Para daw ito sa bagong teleserye nila ni Kim, kung saan isang lifeguard ang role ng binata na hindi maumpisahan dahil hind pa tapos ang dalaga sa movie nito na Etiquette for Mistresses. Kaya habang nasa waiting si Xian, hayun, sinumulan na niya ang pelikula with Vilma Santos at Angel Locsin.

Seksing-seksi kami sa body ni Xan na puwedeng-puwedeng patulugin ang pangangatawan ng mga lalaking artista sa kanyang liga. Kumpara sa built niya ngayon, walang sinabi ang katawan ni Gerald Anderson o ‘di kaya’y kay Piolo Pascual.

Ewan ko lang kung sa machong-macho na body ng binata ay hindi pa siya pagnanasaan ni Kim nito.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleErik Santos at Angeline Quinto, landian pa more ang drama sa concert
Next articleKris Aquino, pinakyaw ang VIP seats sa concert nina Erik Santos at Angeline Quinto?

No posts to display