Xian Lim, paulit-ulit na lang ang drama

Xian Lim, paulit-ulit na lang ang drama

Xian-LimHINDI NA bago para kay Xian Lim kung may negative issue na maglabasan laban sa kanya. Wala siyang kiber dahil feeling niya nasa highest level na ang kanyang kasikatan. Gagawin niya ang gusto niyang gawin ayon sa gusto niya. Wala siyang pakialam kung sino ang masaktan o masagasaan. Ayon sa kampo ni Xian, nagpapakatotoo lang daw ang binata. Hindi raw ito pag-uusapan kung hindi siya sikat. Puro lead role nga naman ang bawat papel na ginagampanan niya sa mga pelikula ng Star Cinema.

Hindi ba naisip ni Xian na si Kim Chiu ang nagdadala sa kanyang kasikatan kaya siya nakilala? Hindi rin ba niya naisip na nag-flop ang huli nilang pelikula  ni Kim with Ai-Ai Delas Alas? Dapat magising sa katotohanan si Xian wala pa siyang napatutunayan as an actor. Kailangang palaging nakakabit sa palda ni Kim para magka-pelikula.

Sa totoo lang, umiral na naman ang kayabangan ni Xian kaya hindi maiiwasang maging nega siya sa mata ng publiko. Ang ending, bigla magso-sorry sa taong kanyang nasaktan o nagawan niya ng kasalanan. Paulit-ulit na lang itong drama ni Xian, papansin, ‘ika nga ni Tita Cynthia. ‘Yun lang.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield