Xian Lim, parang nabunutan ng tinik

ADVERTISING

Xian Lim, parang nabunutan ng tinik

Xian Lim, parang nabunutan ng tinikParang nabunutan ng tinik si Xian Lim pagkatapos siyang ipagtanggol ng co-stars niyang sina Vilma Santos at Angel Locsin sa pelikulang “Everything About Her” when it comes to his acting and attitude towards work.

ADVERTISING

At least ngayon, matatanggal na ang stigma kay Xian Lim na he’s not a good actor or mahirap siyang katrabaho. Kaya naman super saya ng aktor when we had a short talk.

“I feel relieved. Ang sarap ng pakiramdam na may mga nagtitiwala sa ‘yo at nakikita ‘yung hard work mo,” sabi pa ng aktor.

Dahil sa mga pronouncements ni Ate Vi about Xian, mas dumami tuloy ang na-curious na makita ang performance ng aktor sa “Everything About Her”. Sampal din sa bashers ni Xian ang sinabi ni Gov. Vi na “may paglalagyan si Xian sa industriya.”

ADVERTISING

Kilala namin si Xian personally and we can also vouch kung gaano siya kabuting tao. He is often misunderstood at kesa magpaliwanag, tumatahimik na lang siya.

“Sa akin po kasi, mas okey na ‘yung tahimik na lang ako. I’ve learned so many things in the past kaya ina-apply ko lang ‘yon ngayon sa buhay ko,” sey pa ng aktor.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING