Xian Lim, Nilinaw ang Tatlong Isyu sa Kanya

Xian Lim, Nilinaw ang Tatlong Isyu sa Kanya

Xian Lim, Nilinaw ang Tatlong Isyu sa KanyaALEXANDER XIAN Cruz Lim Uy, isang Chinese-Filipino model at actor, at kilala sa screen name na Xian Lim. Isang kilalang varsitarian ng University of the East na kumuha ng kursong management. Isang contract artist ng Star Magic. Gumanap bilang supporting role sa Rubi at noong 2011, bida sa My Binondo Girl, kasama si Kim Chiu.

Whoa! Ipinag-celebrate ni Xian Lim ang kanyang kaarawan sa McDonald’s sa ABS-CBN noong July 10. Hindi maisalarawan ang kanyang katuwaan na parang bata, lalo’t napalibutan siya ng mga mascot ng McDo sa presscon-birthday niya. ‘Andoon ang mga mapalad na nagwagi ng mamahaling relo na nagkakahalaga ng humigit-kumulang sa P25,000. Kaya masaya ang mga nagsipagwagi.

 

TUMANGGAP NGA BA NG MGA GADGET SI XIAN?

Alamin natin at tuldukan ang isyung ito, ang walang gatol na sagot sa masalimuot na isyu sa modelong actor. ‘Yung mga fans mo ba ang nagbibigay sa ‘yo ng mga laptop, gadgets, etc. Malutong na, “Yes, generous po sila. Their way to say… for me to say na mahalaga rin sila. Kasi noong sa States po ako, eh, ‘di ba sa Pilipinas ‘yung mall shows, iikot po kami. So, nakita ko talaga ‘yung support nila. Airport pa lang, may tarpaulin nang dala, tapos kasi halos mga two weeks kami. Siyempre roon sa mga tour namin abroad, ayun nagbibigay sila… ng lahat ng kailangan ko, hehehe! Hindi na ako nag-shopping.”

Dagdag pa niya hindi ‘yun bigay kundi sila ang nagsi-set-up ng mga event. “Katulad noong pumunta kami sa LA (Los Angeles), ni-rent nila ‘yung  buong ballroom ng hotel. Feeling ko, ‘yun talaga ‘yung effort na ibinibigay.”

‘Yun naman pala, eh! Ang kapalit eh, may mga events naman pala siya mula sa mga events organizer. Tingin ko lang, hindi niya ipagpapalit ang umuusbong na career niya sa ganoong mga isyu.

Xian Lim, Nilinaw ang Tatlong Isyu sa Kanya

TOTOO BANG GINAGAMIT LANG NIYA SI KIM CHIU?

Tungkol naman sa kalagayan nila ni Kim Chiu, totoo naman kaya na napabalitang ginagamit lang niya si Kim Chiu at nakiki-ride-on lang siya rito?

“Ah, hindi ko naman kontrolado ‘yung mga sasabihin ng mga tao. We’re all entitled to our own opinion at saka gusto ko lang talagang magpasaya ng tao. Ako, I’m happy writing my songs. Hindi naman ako nandito para manggamit ng tao. Para sa akin, ang mentality ko lagi lang akong masaya.”

Mukhang top selling nga naman sa astro vision at sa twitter gold ang kanyang album.

“Kasi pag iniisip ko ‘yung mga ganon, parang magiging awkward, parang magiging parang planado na ‘yung mga galaw. We’re taking our time, wala namang pagmamadaling nangyayari.”

Speaking of Kim-Xian loveteam, sila ang nanalo sa Yahoo! OMG! Awards recently.

 

ISYU NIYA KAY VICE GANDA?

“Hindi po ako palalabas, sa bahay lang po ako. Hindi ako nagba-bar. Even with friends, sa bahay lang.”

Ah, marami kang gay friends, especially mga fans. “Hehehe! Oo, naman, marami ako ‘nun.”

Nabanggit ang tungkol sa issue with Vice-Ganda noong lumalabas pa siya sa Showtime bilang hurado, at klinaro naman niyang may respetuhan naman sila sa show. “Siyempre sa pag-aartista natin, p’wedeng bad or good, publicity ‘yan.”

Minsan napipikon ka rin ba sa mga tanong nila? “Ah hindi naman. Ah, hindi ako pikon, marami akong natututunan. But ah, ang rebelasyon eh, siyempre, it turned out to be good. Masaya lahat.

“Ah, kung sa mga sabi-sabi lang ‘yan, ‘yung mga hearsay hindi ako made-depress kasi p’wede kong gamitin ‘yun eh, p’wede akong matuto roon sa mga narinig ko, eh.”

Prangka ang binata, hindi dahil sa lumalaki na ang ulo niya. Matangkad, magandang lalaki, marunong sumagot at friendly. Malayo ang kanyang mararating sa larangan ng showbiz.

 

Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.  Email orobiakpp@yahoo.com  Cp.09301457621

 

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Maestro Orobia.