Xian Lim, negang-nega ang image

ADVERTISING

Xian Lim, negang-nega ang image

Xian-LimNEGANG-NEGA NA naman ang image ni Xian Lim. Now that one fan made public her disgust sa favorite leading man ni Kim Chiu ay tiyak na pag-uusapan na naman in a very negative way itong binatang ito na tila insensitive.

Umapir sa isang popular blog ang pang-iisnab daw ni Xian sa isang fan. Parang iwas na iwas raw ito at ang feeling ay pagkakaguluhan siya nang nasa airport siya kasama ang ilang friends yata.

Ang feeling daw ng binata ay parang me paparazzi sa kanyang paligid kaya naman daw lumipat ito ng kinauupuan.

Hindi rin yata niya feel na magpa-autograph kaya naman super isnab daw niya ang ilang fans.

ADVERTISING

Bakit, ang feeling mo ba Xian ay isa ka nang superstar by the virtue of your box-office movie? Eh,hindi lang naman ikaw ang nagdala ng movie n’yo ni Kim, ‘no!

As a matter of fact, mas malaki ang contribution ni Kim sa success ng movie n’yo. Hindi ka naman sikat, FEELING SIKAT  ka lang, ‘no!

 

HUMINGI NG paumanhin ang Bandila sa pagkakamali nila sa isang report na kuha pala ng UNTV.

Ang nakakaloka, noong pang March 7 naipalabas ang maling claim nila na exclusive nila ang story about the bloody demolition sa Morong, Rizal pero recently lang sila nag-sorry sa UNTV. Hindi ba nakakaloka ‘yon?

Ang paliwanag ni Karen Davila, hindi sinasadyang napatungan lang ng exclusive ang Morong video na para sana sa  eksklusibong bahagi ng ulat ni Dominic Almelor.

Ang collective reaction naman ng netizens ay pawang batikos.

“Palusot.com. Ano daw? Di sinasadyang mapatungan ng graphic chovaness??? Eh tagal na un bakit now lang nagsorry? Dpat nung after nila iere un dpat nagsorry na sila..hahaha,” may panlalait ng sabi ng isang guy.

“Paging ABS CBN News Department! do somehting about this already! nawawalan na kayo ng credibility! nakakahiya!” one fan wailed.

Komento ng isang tagasubaybay, “Palpak na naman. News is a public trust… research research pag may time!!!”

Oo nga. Marami na ang nakakapansin na ang daming palpak ngayon ng newscast program ng ABS-CBN. Anyare?

Akala ba namin ay nagkaroon ng seminar ang news team ng Dos, eh, bakit until now ay nagkakalat pa rin sila?

Any comment from the news people of ABS-CBN?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING