Xian Lim, nawawala na ang kanegahan

Xian Lim, nawawala na ang kanegahan

Xian-LimAFTER A very successful US tour ng tambalang Xian Lim at Kim Chiu, balik-Pinas na ulit ang dalawa para sa kani-kanilang showbiz commitments. Isang araw pa lang pagdating ni Xian sa bansa, kaagad siyang sumabak sa look test para sa pelikulang gagawin niya sa Star Cinema.

Kasama niyang nag-look test ang iba pang cast ng movie tulad nina Angel Locsin at Gov. Vilma Santos na kasalukuyang nasa US din ngayon. Ang pelikula ay ididirek ni Bb. Joyce Bernal.

Halatang nakapag-recharge si Xian habang nasa Amerika. Nakapag-bonding din sila roon ni Kim at parehong excited sa nakatakda nilang pagsasama sa isang romcom na gagawin ng Star Creatives.

First time ni Xian na gagawa ng pelikula na hindi kasama si Kim at excited siya sa mga matututunan kina Vilma at Angel na parehong award-winning actresses.

“I know I will be learning a lot from them. It’s really my pleasure to be working with them na parehong magagaling na artista,” sey pa ng binata.

Samantala, masaya ang mga supporters ni Xian dahil tila nawawala na ‘yung negative image o kanegahan na ikinakapit sa pangalan ng kanilang idolo. Sabi pa nga nila, misinterpreted lang daw si Xian, pero mabait daw talaga ito.

La Boka
by Leo Bukas