Xian Lim, natupad na ang pangarap na mag-concert

ADVERTISING

Xian Lim, natupad na ang pangarap na mag-concert

Xian Lim
Xian Lim

Sasabak na rin sa concert scene si Xian Lim.

Ang unang major concert niya titled “A Date With Xian” ay gaganapin sa July 9 sa Kia Theater at 9 p.m.

Ayon sa singer-actor, matagal na niyang pinangarap na magkaroon ng concert, pero ngayon lang magkakatotoo.

“Dati ko pa gusto, eh. Dati ko pa gusto. Siguro ang hinahanap ko lang din is ‘yung lakas ng loob at siyempre nu’ng binigay na sa akin ng Star Events ‘yung opportunity, I just grabbed it, I didn’t think twice. Kumbaga, okey na ‘to, ito na ;yon, this is it!” sabi pa niya.

ADVERTISING

Makasasama ni Xian Lim sa kanyang concert sina Abra, Morisette Amon, Dawn Chang, Richard Poon, and of course si Kim Chiu. Isa rin sa magiging highlights ng show ay ang presence ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

“I really want them to be part of my concert and finally kasama ko na sila sa concert ko sa July 9,” excited niyang pahayag.

Magpi-play din ng iba’t ibang musical instrument si Xian sa kanyang  concert.

“May mga iba akong dadalhin dito, isosorpresa ko ‘yon sa kanila. Pero mainly, meron kaming grand piano sa gitna and we’re gonna be playing classical music din po with the Philharmonic. I will be playing the piano with the Philharmonic,” sabi ulit ni Xian.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING