Xian Lim, natakpan ng international film ang pagkakatsugi sa serye

Xian Lim, natakpan ng international film ang pagkakatsugi sa serye

Xian-LimNATAKPAN NG bagong project ni Xian Lim bilang official Philippine voice ng international film na Paddington ang tungkol sa isyu ng pagkakatsugi niya sa seryeng Bridges of Love nina Jericho Rosales at Maja Salvador.
“Mas bagay siguro kay Paulo (Avelino) ‘yung role na para sa akin. Nu’ng binabasa ko pa lang ‘yung script, alam ko na rin na mas bagay ’yon sa kanya,” pahayag ni Xian nang makausap namin siya sa Paddington presscon.
Ang Paddington ay produced ng Harry Potter producer na si David Heyman who personally approved of Xian to be the well-loved bear’s voice in the Philippines.
Other territories also have their own local voice talent for Paddington. In the US and other international releases, Paddington will be voiced by Ben Winshaw.
Ang iba pang voice na ginamit sa movie ay kina Michael Gambon (who played Albus Dumbledore in Harry Potter), Imelda Staunton (who played Dolores Umbridge in Harry Potter) and Julie Walters (who played Mrs. Weasley in Harry Potter).
Sa poster ng pelikula, kasing laki ng pangalan ni Nicole Kidman ang kay Xian kaya tuwang-tuwa ang aktor. Nicole will play the role of Millicent, the villain taxidermist in the movie.
Palabas na ang Paddington sa February 11.

Luis Manzano, bagong miyembro ng Puregold family

Luis-ManzanoHUMARAP SA entertaiment press last week si Luis Manzano para sa presscon ng Puregold Perks Card. Si Luis ang newest member of the Puregold family sa patuloy nilang pag-level-up at pagbibigay ng serbisyo sa mga Pilipino.
Ang Puregold Perks Card ay isang espesyal na privilege card na maaaring i-avail ng bawat Puregold shopper upang makaipon ng points at makakuha ng mga rewards para lalong maging mas exciting ang kanilang shopping experience sa Puregold.
Kasali na ngayon ang Puregold Perks Card sa rank ng Tindahan Ni Aling Puring (TNAP) program na siyang nagbibigay ng  di mabilang na panalo benefits sa lahat ng sari-sari store owners at food resellers sa nakalipas na 11 taon.
Ngayon, sa pamamagitan ng Puregold Perks Card, maaari nang i-avail ng bawat regular at non-business owner shopper ang mga amazing perks na hatid para sa lahat ng Puregold.
Naging matagumpay ang career ni Luis bilang isang aktor at TV host, at biniyayaan siya ng ‘di mabilang na mga proyekto na kakambal na ng kayang tagumpay.
Ang buhay at karera ni Luis, with all his many achievements, ay maituturing na isang inspiring testament kung papaano maaaring anihin ng isang tao ang mga harvest ng hard work at determinasyon.
“Si Luis ang perfect Filipino artist na kakatawan sa Puregold Perks Card,” sabi ng Puregold National Operations Manager na si Antonio Delos Santos.
Ayon naman kay Luis, “Isang privilege at karangalan para sa akin ang maging bahagi ng lumalaking pamilya ng Puregold. Excited na ako sa mga susunod na buwan dahil sa mga surprises na inihanda para sa ating lahat ng Puregold Perks Card. Talaga nga namang, sa Puregold always panalo!”

La Boka
by Leo Bukas