Xian Lim, nasa cloud 9 sa magagandang reviews sa performance sa pelikula

Xian Lim, nasa cloud 9 sa magagandang reviews sa performance sa pelikula

Xian Lim, nasa cloud 9 sa magagandang reviews sa performance sa pelikulaAng sipag ni Xian Lim. Left and right ang mga aktibidades niya sa simula pa lang ng promotion ng hit movie nila nina Vilma Santo at Angel Locsin na “Everything About Her” dahil walang kapaguran ang binata.

Kasi ba naman, bukod kasi sa dinadaluhan niyang mga block screenings ng mga fans nina Ate Vi at Angel, ang sariling mga fans niya at fans nila ni Kim Chiu, nagpa-block screenings din in support of him.

Sa pagkakaalam ko, dapat this week sana ang alis ni Xian Lim for the US para ipagpatuloy ang taping ng “The Story of Us” na bagong teleserye nila ni Kim, pero dahil may mga pahabol pa na mga bock screenings for him ang mga supporters niya kaya na-move for next week pa ang alis niya (ayon sa publicist ni Xian) para naman mapagbigyan ang mga tagahanga niya na sumuporta sa kanya.

Nasa cloud 9 ngayon ang binata dahil sa mga magagandang reviews ng performance niya, lalo na ang mga papuri sa kanya ng mga co-stars niya with the likes of a Vilma and Angel.

We just hope na maipagpatuloy ng binata ang magagandang papuri sa kanya na sa mga susunod niyang mga pelikula at teleserye, hindi man niya mapantayan ang naging mga papuri sa kanya sa pelikula nila nina Ate Vi at Angel ay mas malampasan pa niya.

Reyted K
By RK VillaCorta