Xian Lim, nambastos ng female fan?

ADVERTISING

Xian Lim, nambastos ng female fan?

Xian-LimSi Xian Lim ang nag-iisang hula ng marami sa blind item na lumabas sa isang popular website about a “boorish actor” na nambastos sa isang female fan.

Ang chika, the “boorish actor” was having dinner with his leading lady and friends sa isang fine dining restaurant. As he was dining, merong isang young female fan ang nag-apporach sa kanya para magpa-picture.

Hindi nagustuhan ng actor ang ginawa ng fan kaya napasigaw raw ito ng “hindi puwede, kumakain kami”.

Naloka ang young female fan dahil sa inasal ng actor. Hindi niya akalain na totoo ang nasusulat na isnabera sa fans ang binata.

ADVERTISING

True ba ito, Xian? Ikaw nga ba ang tinutukoy sa blind item?

Actually, merong nag-react dito sa Pinoy Parazzi about our column and claimed na one time ay nagpunta sa mall si Xian na feeling big star na raw.

Kasi raw, ang feeling yata ni Xian ay pagkakaguluhan siya sa mall kaya nagsama siya ng dalawang bodyguard. Ang kaso, the opposite happened, walang nagkagulo sa kanya, walang nagpa-picture at lalong walang nagpa-autograph.

We feel na wala namang masama kung magdala man ng bodyguard si Xian sa kanyang mga lakad. Pera naman niya ang ibinabayad niya sa mga ‘yon, so ano’ng problema?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING