Xian Lim, nakabibilib nang umarte

ADVERTISING

Xian Lim, nakabibilib nang umarte

Xian Lim
Xian Lim

Inaabangan ko talaga ang teleserye nina Kim Chiu at Xian Lim gabi-gabi hangga’t maaari.

ADVERTISING

Kung nasa bahay lang ako, asahan mo ang serye nila ang pinanonood ko (bukod siyempre ‘yong Dolce Amore nina Liza Soberano at Enrique Gil).

Early this week, pinatunayan na naman ni Xian Lim ang kanyang galing sa pag-arte sa eksenang pagtatagpo nila ni Kim sa “The Story of Us”.

Sa kuwento kasi, kung bakit nasa NYC si Xian (as Macoy) ay para hanapin ang love niyang si Kim (as Tin).

ADVERTISING

Sa laki ng NYC na lang, sinuwrte ang binata na by accident ay nakasalubong niya ang dalaga sa isa sa mga kalye ng Manhattan. ‘Yong eksenang ‘yun na una nilang pagtatagpo ang tinutukan ko. Mababasa mo sa mga mata ng aktor ang kasiyahan na nadama niya sa pagtatagpo nilang muli ng dalaga.

Ngayon pinatuyan na naman ni Xian sa akin sa personal kong pamantayan na marunong talaga siyang umarte (gumanap siya bilang anak ni Vilma Santos sa pelikula ni Bb. Joyce Bernal na “Everything About Her”) sa teleserye nilang ito.

‘Tangna, mabigyan ka lang ng isang matinding film project na maiaangat ka lalo bilang isang seryosong aktor, baka maalpasan mo sa galing ang isang aktor na nakakahon na ang akting.

Pinabilib mo ulit ako. Congrats, Xi!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING