Xian Lim, nag-enjoy sa kanilang US tour

Xian Lim, nag-enjoy sa kanilang US tour

Xian-LimNAGING NAPAKAMATAGUMPAY ng naging one month US tour ng isa sa pinakasikat na actor sa bansa na si Xian Lim, at ito ang “One Magical Night”.
Nakasama nito sa nasabing US tour ang kanyang ka-loveteam na si Kim Chiu at ang tinaguriang Teen King at Teen Queen na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o mas kilala bilang KathNiel.
Ka-join din sa nasabing tour sina John “Sweet” Lapuz at ang mahusay na singer na si Marcelino Pomoy, kung saan nilibot ng mga ito ang ilan sa key cities sa Amerika like LA, San Diego, Union City, at Las Vegas para magbigay-aliw sa mga Pinoy na naninirahan na at nagtatrabaho sa Amerika.

John’s Point
by John Fontanilla