Xian Lim, nabastos talaga si Jobert Sucaldito

ADVERTISING

Xian Lim, nabastos talaga si Jobert Sucaldito

Xian-Lim Xian-LimKAHIT SAANG anggulo namin tingnan ay may mali si Xian Lim sa naging gesture niya nu’ng iniinterbyu siya ni Jobert Sucaldito thru Skype sa radio program nitong Mismo nu’ng Martes during the Solidarity Concert sa Araneta Coliseum.

ADVERTISING

Itinanong lang sa kanya kung kasama ba niya si Kim Chiu, tapos, hindi niya ito narinig at pinaulit. At nu’ng inulit, “Ano ba namang tanong ‘yan,” sabay tanggal ng earphone at tumalikod na raw itong si Xian.

Oh, well… sana nga, kung hindi type ni Xian na sagutin ang tanong ay pupuwede naman siyang nagsabi na lang ng, “Pasensiya na, ha? Bawi na lang po ako next time kasi nagmamadali po ako!”

Or maraming paraan, hindi sa gano’ng gesture na nagmumukha ka nang bastos eh, tinatanong ka lang naman nang pakyut at matino naman at hindi ka binabastos, kaya hindi rin para tapatan niya ito ng pagwo-walkout.

ADVERTISING

Nagpahatid na rin ng apology si Xian thru his handler Gidget at ang mensahe niya rito ay ifinorward naman ni Gidget kay Jobert, pero kulang ‘yon sa sinseridad, feeling namin. Kaya kung kami kay Xian, personal niyang i-approach si Jobert at ang co-host nitong si Ahwel Paz para makabawi.

Juice ko eh, si Jobert pa ba eh, napakababaw lang na tao ‘yan. Basta maramdaman lang niyang sincere ang paghingi ng sorry. Malay niya, maging close pa sila ‘pag nagkatsikahan na sila.

 

JUICE KO, nakita ko na naman ang batang kutis porselana sa Christmas party ng Dreamscape sa bahay ng Business Unit Head nitong si Deo Endrinal. Sino pa nga ba ang aming tinutukoy, kundi si Bimby Aquino Yap na gusto naming panggigilan ang pisngi, kaso, baka biglang kyompalin kami, ‘no!

Busy na rin si Bimby sa pagpo-promote ng launching movie niya na My Little Bossings na palabas na sa Pasko at kasama rin dito siyempre sina Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon at Aiza Seguerra (directed by Marlon Rivera).

Bitbit din ni Kris Aquino that night ang kanyang binatang anak na si Joshua na manghang-mangha kami sa laki ng ipinayat. Talagang ang laki ng nagawa ng bagong yaya ni Joshua para disiplinahin ito sa pagkain at sa iba pang hindi na dapat ginagawa ng isang binata.

At ang guwapong bata rin ni Josh, huh! Although alam naman ng lahat na may condition si Josh, pero sa nakita namin dito, ang laki talaga ng improvement. Kudos to the mom Kris Aquino. Alam na.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING