Xian Lim, mayabang pa rin ang dating

ADVERTISING

Xian Lim, mayabang pa rin ang dating

Xian-LimMARAMI TALAGA ang nayayabangan sa pagdadala ng personality ni Xian Lim, kaya sa showbiz ay marami pa rin ‘yung nahihiwagaan sa tunay niyang ugali. Mayroon naman siyempreng mga nakakakilala sa tunay na ugali ng guwapong actor na nagtatanggol sa mga kumokontra at naaangasan sa kanya. Pero sa totoo lang, hindi siya sobrang nagpapaapekto sa mga ganitong isyu, dahil kahit naman si Xian ay nagsasabi na nu’ng pasukin niya ang showbiz ay kabado rin siya kung magkakaroon siya ng maraming kaibigan.

Nangyayari na sa career ni Xian ang mga pinapangarap niya noon. Ang una kasi niyang gusto ay mapansin sa sports na kanyang hilig. Pero mahirap talagang pagsabayin na habang nag-aartista ka ay mayroon ka pang ibang patutunayan. Mas pinanindigan muna niya ang pag-aartista, at kahit nahirapan din siyang mapansin, nararating naman niya ang popularity na hindi niya sobrang inaasahan na magiging ganito kabongga, lalo na nu’ng maging ka-loveteam niya si Kim Chiu.

Mabentang product endorser ngayon si Xian. Wala na rin siyang pahinga sa paggawa ng pelikula. Nu’ng selebrasyon ng “Ala Eh, Festival” sa Batangas, ipinangalandakan na ni Governor Vilma Santos-Recto na makakasama niya si Xian sa bago niyang pelikula sa Star Cinema. Hindi ipinagyayabang ng guwapong actor na magkakasama sila ng Star For All Seasons sa nasabing project, pero tuwang-tuwa siya kung iyon ay matutuloy na nga.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING