Xian Lim, may sexy dance number sa kanyang concert

ADVERTISING

Xian Lim, may sexy dance number sa kanyang concert

Xian Lim
Xian Lim

Xian Lim will step out of his comfort zone sa kanyang A Date With Xian concert sa Kia Theater on July 9. In fact, sasayaw siya sa concert na hindi niya naman talaga ginagawa kahi sa ASAP.

“Hindi talaga ako sumasayaw, pero dito sa concert ko, gusto kong makita nila na wala sa comfort zone si Xian. Isa rin yon sa gusto kong take away nila na ‘pag napanood nila ito, ibang-ibang Xian Lim at I took that chance na umalis do’n sa comfort zone ko,” kuwento niya.

Kinailangan din daw niyang mag-dancing lesson para hindi siya magmukhang katawa-tawa sa concert lalo na sa gagawin niyang sexy production number.

“Makikita nila ang pinaghirapan kong… ‘wag naman katawan. Nahihiya kasi akong sabihing sexy ‘yung prod, kasi ‘pag pinanood nila baka naman sabihin nilang hindi naman sexy, pero ‘yung dance namin ni Dawn (Chang) hinirapan pa namin para makita naman nilang kakaiba talaga ‘yung gagawin ko rito.”

ADVERTISING

So paiinitian niya ang Kia Theater sa gabi ng concert?

“’Wag naman sobrang init… ‘yung tama lang. Hehehe. Baka nga nasobrahan na sila sa kaka-topless ko sa ‘The Story of Us’, eh. Pero siyempre, iba pa rin ‘pag live performance,” pahayag niya.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING