Xian Lim, magandang birthday gift ang balik-tambalan nila ni Kim Chiu

ADVERTISING

Xian Lim, magandang birthday gift ang balik-tambalan nila ni Kim Chiu

Kim-Chiu-Xian-LimBIRTHDAY NI Xian Lim nu’ng July 12 at magandang birthday gift sa kanya ang muling pakikipagtrabaho sa ka-loveteam na si Kim Chiu para sa mobile-serye ng ABS-CBN na tinawag nilang Starflix. Ang tambalang KimXi ang unang featured stars ng Starflix na susundan ng iba pang malalaking artista ng Dos.

ADVERTISING

Nagsimula nang mag-taping si Xian bago pa man ang birthday niya. Magte-taping din sila sa Palawan ni Kim, pero hindi kami sure kung para rin ‘yon sa mobile-serye o sa rom-com na gagawin nila sa ABS-CBN.

Ang text lang niya sa amin, “Basta, wish me good luck, Kuya Leo. Okey naman ang lahat ngayon.”

Well, whatever it is, I’m sure matutuwa ang supporters ng KimXi sa kanilang balik-tambalan, huh!

ADVERTISING

Samantala, simple lang ang birthday wish ni Xian at ito ay ang magtuluy-tuloy ang magandang takbo ng kanyang career at mas lalo pang tumatag ang team-up nila ni Kim. Wow naman!

As of this writing, hindi pa namin alam kung nag-dinner ba sina Xian at Kim at kung ano ang ginawa ng aktor sa kanyang birthday. Wala pa rin kaming balita kung ano ang birthday gift ni Kim sa ka-loveteam.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING