Xian Lim, ligwak sa Kapamilya network promo ng ‘Miss Granny’

ADVERTISING

Xian Lim, ligwak sa Kapamilya network promo ng 'Miss Granny'

Xian Lim, ligwak sa Kapamilya network promo ng 'Miss Granny'
Xian Lim

ANO ang nangyari kay Xian Lim at sa relasyon niya sa dating mother studio (Kapamilya Network) niya at tila ligwak ang aktor sa listahan ng mga shows na pwede siya mag-promote para sa kanilang pelikula ni Sarah Geronimo na Miss Granny na produced na Viva Films at nakatakda ipalabas sa Wednesday,August 22?

ADVERTISING

Pansin lang ng mga social media followers ni Xi na wala ito sa promo ng pelikula nila na si Sarah at si James Reid lang ang kasama ng Pop Princess sa Showtime at sa taping ng Gandang Gabi Vice kung saan siya lang ang wala in yesterday’s taping na ibo-broadcast this Sunday.

Is it true na sa paglipat ng binata sa pangangalaga ngayon ng Viva Artists Agency (VAA) from Star Magic, isa ito sa mga consequences na nakakaharap ngayon ng aktor?

May silent banning ba sa aktor?

ADVERTISING

Ayon sa VAA, hindi man napapanood si Xian sa TV promo ng pelikula sa mga palabas sa ABS-CBN ay kasama naman siya sa mga mall tours ng pelikula.

Habang isinusulat namig ito last night, ay nagkaroon ng changes based sa house plug ng Kapamilya Network na hindi sina Sarah at James ang ipapalabas sa GGV.

Ano kaya ang mga paliwanag sa isyu?

Tonight, ang preem ng Miss Granny sa Trinoma Cinema.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING