Xian Lim, lalong humuhusay bilang aktor

ADVERTISING

Xian Lim, lalong humuhusay bilang aktor

Xian Lim, lalong humuhusay bilang aktorMaraming pumupuri sa pagganap ni Xian Lim sa latest teleserye nila ni Kim Chiu na “The Story Of Us” na napanonood sa Primetime Bida ng Kapamilya Network.
After nga nitong magampanan nang buong husay ang kanyang role sa pinagsamahan nilang pelikula ni Gov. Vilma Santos, mas naging mahusay na actor si Xian Lim na nadala niya hangang sa “The Story Of Us”.
Kung magpapatuloy nga raw si Xian sa pag-improve ng kanyang craft bilang actor, hindi malabong kilalanin ito bilang isa sa mahusay mga actor sa bansa sa liga nila Coco Martin, Jericho Rosales, John Loyd Cruz, atbp.
Bukod mga sa pagiging mahusay nitong actor, hindi rin matatawaran ang husay nito pagdating sa pagho-host mula sa mga awards night hanggang sa mga prestigious pageant.

 

Kim-RodriguezKim Rodriguez, pasado sa pagiging kontrabida

VERY CONVINCING at napakamakatotohanan ang pagtataray ni Kim Rodriguez sa afternoon soap ng Kapuso Network na “Hanggang Makita Kang Muli”.
Marami nga ang nagsasabing pasadong kontrabida si Kim at nagagampanan nito nang tama ang kanyang role sa nasabing serye, kahit first time nitong gumanap ng ganong klaseng role, dahil mostly ng character na ibinibigay sa kanya ay pambida.
Hindi nga raw nagsisisi si Kim na tumanggap ng kontrabida role. Dahil dito, mas nahahasa ang kanyang pag-arte sa kahit anong role na ibibigay sa kanya.
Kaya naman daw if ever nga raw na may mag-offer sa kanya ng another kontrabida role, tatanggapin niya, dahil na-realize nito na mas challenging ang pagkokontrabida.

ADVERTISING

 

Mikay-KikayKikay, crush si James Reid; Mikay, si Daniel Padilla ang type

VERY HONEST ang very cute at very talented internet sensation at newest addition sa pamilya ng ViVa Entertainment na sina Mikay at Kikay sa pag-amin sa mga entertainment press ng kani-kanilang mga crush sa showbiz.
Sabi nga ng 7 years old na si Kikay, ang showbiz crush niya raw ay si James Reid dahil napopogian daw ito sa other half ng sikat na love team na JaDine, samantalang si Daniel Padilla naman daw ang showbiz crush ng 10 years old na si Mikay.
5 years management ang kontrata ng dalawang bagets at magkakaroon nga raw sila ng meeting with boss Vic Del Rosario ng Viva Entertainment para pag-usapan ang mga plano at magiging proyekto ng mga bata.
Isa nga raw sa na-mention na proyektong sasamahan nina Mikay at Kikay ay “Ang Panday” ng TV5, bukod sa iba pang shows at posibilidad na gumawa ang mga ito ng pelikula sa Viva Films.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING